Home HOME BANNER STORY Imprastraktura mas makahihikayat ng turista kaysa slogan – Gordon

Imprastraktura mas makahihikayat ng turista kaysa slogan – Gordon

CEBU CITY – Mas makaaakit ng mga turista ang maayos na imprastraktura, hindi slogan.

Ito ang iginiit ni dating Tourism Secretary Richard Gordon nang kunan ng komento sa tbagong “Love the Philippines” tourism slogan ng bansa.

“Slogan is nothing,” pahayag ni Gordon, na nasa Cebu upang dumalo sa isang event sa Philippine Red Cross nitong Sabado.

“What is important is we have infrastructure. Magaling tayo mag-welcome, ang init natin mag-welcome. Pag dumating pasahero dito, walang kuryente sa airport, ang init,” dagdag ng dating senador.

Sa pamamagitan umanog ng mas maayos na pasilidad gaya ng mas maayos na seats, mas mainam na palikuran sa mga airport, ay babalik ang mga turista.

“It is really the culture of tourism that you want, not the slogan,” pahayag ni Gordon na namuno sa Department of Tourism mula 2001 hanggang 2004.

Nilinaw ni Gordon na hindi siya kontra sa bagong slogan subalit sa halip umano na pagdebatehan ito, dapat tutukan ng bansa ang mga paraan kung paano makahihikayat ng mga turista.

Binanggit pa ni Gordon ang Malaysia at Thailand, na aniya’y mga bansa na hindi nagpapalit ng kanilang tourism slogans.

“I have no complaints about it (slogan). We have bigger fish to pry. We need the tourists to come para may pambili tayo. ‘Yan ang problema ng bansa, walang pambili. Walang pambili ang tao, malungkot ang tao. Dumating ang tourist, dumating ang negosyo, may manufacturing, mayron tayong pambili,” pahayag ni Gordon.

“The “Philippines” is too long. It cannot even be spelled by some of my friends at school. What I did is, I made a short one, WOW Philippines,” ani pa.

Kagaya ng  “Love the Philippines,” ang “WOW Philippines” ay mayroong din umanong iba pang kahulugan, base kay Gordon.

“World of wonders, it’s an acronym. Warm over winter. If you’re cold in America, you can go to Boracay, Cebu. Watch our waterworld, you go diving, wild over water, you go Siargao,” giit ni Gordon.

“Kaya ako natuwa naman sa bagong slogan kasi inis ako sa dating slogan. Kasi the slogan ‘It’s More Fun in the Philippines’…we paid a lot of money for ‘It’s More Fun in the Philippines,’ kinopya lang sa ‘It’s more fun in Switzerland in 1952,’” sabi ni Gordon.

Binuo ang konseptong It’s More Fun in the Philippines sa termino ni DOT Secretary Ramon Jimenez. RNT/SA