Home NATIONWIDE Improved Philhealth benefits, iknagalak ni Bong Go

Improved Philhealth benefits, iknagalak ni Bong Go

Ikinagalak at optimistiko si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, sa pag-endorso kamakailan ng Benefits Committee (BenCom) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Board of Directors sa expanded benefits packages into

Ang development na ito ay bahagi ng patuloy na krusada sa healthcare reform ni Go na layong mapabuti ang accessibility at kalidad ng healthcare para sa mga Pilipino.

Ang iminungkahing benefit packages na inendorso bago ang susunod na board en banc meeting ng PhilHealth, ay kinabibilangan ng mga pagpapahusay sa coverage sa heart attack, rare diseases, peritoneal dialysis, assistive mobility devices, at preventive oral healthcare sa ilalim ng Konsulta package.

“Ang mga pinalawak na paketeng ito ay nagpapahiwatig ng progreso,” sabi ni Go.

“Sa wakas, unti-unti na nating naaabot ang hangarin na mas mapalawak ang serbisyong pangkalusugan na abot-kaya at maaasahan para sa bawat Pilipino. Ang mga pagbabagong ito ay makatutulong upang gumaan ang pasanin ng ating mga kababayan sa kanilang gastusin sa kalusugan.”

Ang hakbang na ito ng PhilHealth ay naaayon sa mga mandato ng Universal Health Care (UHC) Act, isang landmark na batas na ipinaglaban ni Go sa panahon ng pagpasa nito.

Binigyang-diin ng senador ang kagyat na pagpapatupad ng mga repormang ito upang matugunan ang mga sistematikong gaps sa healthcare system.

“Napapanahon ang mga hakbang na ito. Panahon na upang makita ng ating mga kababayan ang tunay na hitsura ng UHC. Dapat maramdaman nila ang kanilang kontribusyon sa PhilHealth ay nagbubunga ng konkretong tulong sa kanilang kalusugan,” sabi ni Go.

Kabilang sa mga pangunahing pag-endorso ng BenCom ay ang mga pakete para sa rare diseases, tulad ng Pompe disease at phenylketonuria, pinahusay na saklaw para sa mga kondisyong nagbabanta sa buhay tulad ng acute myocardial infarction, at pinalawak na access sa mga mobility aid tulad ng mga wheelchair at saklay.

Sinabi ni Health Secretary at PhilHealth Board Chair Teodoro Herbosa na ang mga pag-endorso ay isang hakbang tungo sa pagtugon sa systemic inefficiencies at pagpapabuti ng pangkalahatang pagtugon ng PhilHealth. RNT