Home METRO Presyo ng gulay sumirit sa kasagsagan ng mga bagyo

Presyo ng gulay sumirit sa kasagsagan ng mga bagyo

Bulacan – Tatlong pangunahing gulay ang tumaas sa lalawigang ito sa kasagsagan ng mga bagyong sumalanta nitong nakaraang Linggo sa mga probinsiya sa Norte.

Ayon sa maggugulay sa palengke sa bayan ng Bulakan, ang mga gulay na talong, ampalaya at kamatis ay tumaas ng humigit kalahating porsiyento.

Nabatid na ang presyo ng talong ay umabot sa P1,300 per bundle o P130 ang kilo na naglalaro lamang kamakailan sa P60 hanggang P70 per kilo.

Pumalo naman sa P1,200 ang bundle ng ampalaya mula sa dating P600 hanggang P500 habang ang kamatis ay naglalaro pataas sa P120 per kilo mula sa P70 kamakailan.

Dahil dito, naglalaro sa P5 hanggang P8 ang piraso ng maliit na kamatis habang nasa P12 ang katamtamang laki nito.

Aabot namanĀ  sa P30 ang piraso ng di-kalakihang ampalaya at nasa P20 ang piraso ng talong, ayon sa ilang sa sari-sari store o retail store na humahango sa palengke ng Balagtas.

Sinasabing posibleng magpatuloy ang pagsirit ng presyo ng mga nasabing mga gulay matapos ang pananalanta ng mga bagyo gaya ni Super typhoom Pepito na tumama sa mga probinsiya sa Norte na pangunahing nagsusuplay ng gulay sa lalawigan. (Dick Mirasol III)