Home NATIONWIDE Trillanes attack dog ng administrasyon – Digong

Trillanes attack dog ng administrasyon – Digong

MANILA, Philippines – AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.

“Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa isang media interview.

Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano ito gagalaw kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong itong pera.

Giit ng dating Pangulo na “Malacañang-sponsored” ang pag-atake sa kanya ni Trillanes.

Binanggit ito ni Digong Duterte sa isang phone call sa kanyang legal counsel Salvador Panelo, na naka-aired live sa social media.

Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Digong Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga. RNT