Home ENTERTAINMENT Ina ni Barbie, may cryptic post; JakBie breakup, may malalim na dahilan?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ina ni Barbie, may cryptic post; JakBie breakup, may malalim na dahilan?January 6, 2025 19:06 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- “Beautiful breakup” kung ilarawan ni Barbie Forteza ang paghihiwalay nila ni Jak Roberto.Ito ang ipinost ng GMA Primetime Princess sa kanyang social media account nitong January 2.Barbie and Jak were a couple sa loob ng pitong taon.Inakala nga ng marami na sa kasalan mauuwi ang kanilang relasyon until Barbie broke the sad news.Gayunpaman, hindi ‘yon pangkaraniwang paghihiwalay ng magkasintahan who ended on a bitter note.Manapa, nilinaw ni Barbie na: “Things fall apart so better things come together!”Wala mang binanggit si Barbie na dahilan ng kanilang breakup ay marami ang nagpapalagay na may malalim na cause ito.Batay na rin ‘yon sa cryptic post ng ina ng aktres na si Ginang Imelda Forteza.Anito, dumaan daw sa matinding pagsubok ang anak yet she remained strong and didn’t quit.Dahil “past tense” ang verb na ginamit, kinunek ito sa relasyon ng anak.Isang araw bago ang breakup ay inisip ding may kuneksyon ang post ng kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza.May sinabi kasi ito kay Barbie na nakatingala na: “Gusto ko, happy ka!”Is it taken to mean na hindi masaya si Barbie kay Jak?Samantala, upon checking Jak’s social media account ay walang anumang post ito tungkol sa kanilang breakup. Ronnie Carrasco III