Manila, Philippines- Maging si Niño Muhlach was caught by surprise sa ‘di inaasahang pagdating ni Edith Millare.
Si Edith ang ina ng kanyang anak na si Sandro who flew in nitong September 23, Lunes.
In time for her birthday ang maikling pagbisita rito ni Edith who works as a nurse in New York, USA.
Sampung araw lang mamamalagi sa bansa si Edith na matagal nang hiwalay kay Niño.
Eight years nang nasa US at nagtatrabaho bilang nurse si Edith.
During her brief stay, hinahayaan muna ng dating child wonder na magkaroon ng bonding moments ang mag-ina.
Si Edith muna ang sumasama sa mga dinadaluhang family events ni Sandro.
Like Sandro, inakala rin ni Niño na nasa Las Vegas si Edith pero sinorpresa nga niya ang kanyang anak.
Speaking of whom, ani Niño’y hindi pa raw handang magtrabaho ang anak.
Nauunawaan naman daw ‘yon ng Sparkle, ang talent arm ng GMA, kung saan kabilang si Sandro.
If ever he returns to work, balitang magkakaroon ito ng sariling tent.
Off limits doon ang mga tauhan ng produksyon kung saan mahigpit na ipinagbabawal na magkuwentuhan tungkol sa kasong kinakaharap nito laban sa dalawang independent contractors ng GMA.
Samantala, nakakalungkot malaman na medyo tagilid daw ang laban ni Sandro batay sa mga salaysay ng mga inakusahan niya ng sexual assault.
Pero marami pa rin ang umaasang lalabas din ang katotohanan, at kung sakali y mapanagot talaga ang may kasalanan. Ronnie Carrasco III