Home ENTERTAINMENT Skye Gonzaga, type tumikim ng ’tilapya’!

Skye Gonzaga, type tumikim ng ’tilapya’!

Manila, Philippines- Mapapanood ang Vivamax actress na si Skye Gonzaga sa una niyang pagsabak sa GL (girl’s love) movie.

Ito’y sa pamamagitan ng Kiskisan na tinatampukan ng mga artistang palaban sa malulupit at wild na love scenes.

Kuwento ni Skye, “Actually hindi po ito ang first time ko, pero ito ang unang GL ko na ipalalabas. Kasi po, may nauna na akong nagawang GL movie.

“Hindi ko po siya nagawa in real life, kaya challenging po siya para sa akin.”

Nang usisain if type rin ba niyang makaranas sa kapwa niya babae in real life, ito ang pilyang tugon niya, “Gusto ko pong maranasan ito, gustong-gusto ko po. Gusto kong i-try ito in real life, hahaha!”

Nag-enjoy ba siya sa paggawa ng movie na ito? “Sobra!” nakangiting sambit pa ng magandang sexy actress na originally ay isang DJ mula sa Cebu.

Isa pang aabangan daw sa kanilang pelikula ang ginawa nilang foursome ng mga bida ritong sina Robb Guinto, Apple Dy, Skye, at Juan Paulo Calma.

Ano ba ang mga bawal kapag sumasabak siya sa matitinding lampungan sa movies?

Paliwanag ni Skye, “Nag-uusap naman kami before namin gawin iyong sex scenes at sinasabi ko kung ano ang mga restrictions ko. Like, bawal masyadong higpitan yung paghawak sa boobs ko, baka kasi manggigil…

“Puwedeng hawakan ang butt ko, pero ang kiffy bawal, hahaha! Walang tongue sa nipple area, pero sa bibig ay puwede po.”

Ang ‘Kiskisan’ ay isang sexy-drama movie na pinamahalaan ni Direk Bobby Bonifacio Jr.

Ito ay kuwento ng dalawang magkapatid na lumaki sa bukid na nagkahiwalay at muling magkikita matapos ang ilang taon.

Babawi sila ngayon ng oras para sa isa’t isa at ipakikilala na rin ang mga bagong tao sa buhay nila.

Panoorin ang ‘Kiskisan’ sa Vivamax. Nonie Nicasio