Home ENTERTAINMENT La Oro, tinawag na tanga si Carlos!

La Oro, tinawag na tanga si Carlos!

ASTIG - Umaapaw ang swerte na nakukuha ni Paris Olympic double gold medalist Carlos "Caloy" Yulo matapos pumirmang muli ng kontrata bilang brand ambassador ng ArenaPlus. CESAR MORALES

Manila, Philippines- Ayaw paawat ang bibig ni Elizabeth Oropesa sa panlalait sa Olympic two-time gold medalist na si Carlos Yulo.

Sa kanyang TikTok video, the veteran actress didn’t mince words in getting her message across.

Saad ni Oro (tawag sa kanya): “The way he’s treating his mother is horrible!”

Aniya, wala raw siyang pakialam sa nobya nito.

Ang tinutukoy ni Elizabeth ay si Chloe San Jose.

Ang mas mahalaga raw sa usaping kinapapalooban ni Carlos ang kanyang ina, si Angelica.

“Hindi mo hinihiya ang ina mo, hindi mo sinasabihang magnanakaw,” aniya.

Para kay Oro, ang mahalin ng anak ang kanyang magulang ay hindi responsibilidad kundi ng taong marunong magmahal ng kapwa, lalo na kung sariling ina ang pag-uusapan.

May pangaral pa siya kay Carlos.

“Alam mo, iho, marami kang hindi alam…kahit ano pa ‘yan, ina mo pa rin ‘yan!

“Kahit patay na ‘yan, ina mo pa rin ‘yan.

“Ang cells mo, galing sa kanya… kaya magaling kang athlete, eh, dahil sa ina mo.

“Tanga!”

Ramdam ng mga netizens ang pagkadismaya ni Elizabeth kay Carlos sa kabila ng tagumpay nito sa nakaraang Paris summer Olympics.

Samantala, balitang ang dapat sana’y mga commercial endorsements na nakalaan para sa binansagang Golden Boy ay napunta na kay EJ Obiena.

Anim na raw ang napunta kay EJ kabilang ang isang popular na health drink na dating ineendorso ni Carlos, isang brand ng alcohol at isang fast food chain.

Tila wala namang panghihinayang si Carlos na hindi sa kanya napunta ang mga ito.

Wala ring katiyakan kung kailan niya binabalak makipag-ayos nang personal sa nakaalitang pamilya. Ronnie Carrasco III