TABUK CITY, Kalinga – Bumagsak sa kamay ng otoridad ang tatlong mister na nahulihan ng halos mahigit P23 milyon halaga ng marijuana bricks dito sa nasabing lungsod.
Sa isinagawang anti-drug operasyon ng Tabuk City Police Station, nakumpiska ang mahigit P23 milyong halaga ng dried marijuana bricks sa tatlong mister na muna pinangalanan ng pulisya.
Nakuha sa mga suspek ang kabuuang 192 marijuana bricks na agad dinala sa Tabuk City Police Station para sa tamang dokumentasyon at pagproseso.
Kabilang din sa mga kinumpiska ng mga awtoridad ang mga sasakyan at selpon na gamit ng mga suspek.
Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco