Home NATIONWIDE Inabandonang yate sa Subic iniimbestigahan ng PCG sa pagpuslit ng iligal na...

Inabandonang yate sa Subic iniimbestigahan ng PCG sa pagpuslit ng iligal na droga

1
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang yate na Lindsay para alamin kung ginagamit ito sa pagpuslit ng illegal na droga.

Sinabi ng PCG na kailangan nilang ma-access ang yate upang masuri ang ruta na posibleng ginagamit sa smuggling.

Ang yate ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC).

Humingi na rin ng access sa yate ang PCG Zambales sa BOC-Port of Subic.

Nais ng Coast Guard na suriin ang sasakyang pantubig bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon nito.

Susuriin ng PCG ang kasaysayan ng paglalakbay, paggalaw at data ng pag-navigate ng yate upang matukoy ang mga pattern at posibleng mga maritime corridors na maaaring ginamit sa transportasyon ng mga ilegal na droga.

Kabilang sa mga kagamitan at talaan na gustong makita ng PCG ay ang mga logbook ng yate, navigational chart at onboard navigation system.

Kasama rito ang electronic chart display at information system (ECDIS) ng bangka, chart plotter, global positioning system (GPS) at automatic identification system (AIS).

Ayon pa sa PCG, susuriin ang rekord upang matulungan ang mga awtoridad na maitatag ang kasaysayan ng paglalakbay ng yate, kasama ang mga paggalaw nito bago ito dumating sa Subic Bay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here