MANILA, Philippines – Higit pa sa masasabing of age ang magnobyong Inah de Belen at Jake Vargas.
Almost nine years na silang magkasintahan.
It was in 2024 when they decided to live under one roof, reasoning out to “get to know each other.”
Both Inah and Jake are 33 years old, pero ipinagkakanulo sila ng kanilang youthful looks.
Kamakallan kasi, nag-post ang panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada sa Facebook na nagsasayaw sila sa saliw ng
tugtuging Man I Need.
Isang netizen ang naging mapanghusga agad, mistaking both of them for teenagers.
Bakit daw kebata-bata pa, eh, nagli-live in na?
Worse, “tinaningan” pa ang magnobyo na magkakasawaan at maghihiwalay din.
Pero cool lang si Inah nang sagutin niya ang netizen, urging the latter to do her research.
Nakahanap naman ng mga kakampi si Inah who should be left to decide on her own dahil mature na nga naman ito.
For her part, nakiusap si Inah na matuto raw sanang rumespeto ang ilan sa choices ng tulad nila.
“At huwag ipilit sa iba ang gusto nilang paniwalaan,” depensa mismo ni Inah who sees nothing wrong with their live-in setup as long as wala silang natatapakang ibang tao.
“More kindness, more love, less judgment!” pangwakas ni Inah.