Home NATIONWIDE Inatakeng barko sa Red Sea, may mga Pinoy na tripulante – PH...

Inatakeng barko sa Red Sea, may mga Pinoy na tripulante – PH gov’t

272
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng pamahalaan ng Pilipinas na may mga Pilipinong tripulante sa Greek-operated cargo ship na Eternity C na inatake ng mga Houthi rebels sa Red Sea nitong Lunes.

“Mayroon tayong impormasyon na ‘yung barko, nandoon pa rin kung saan ito inatake. Natamaan ang engine nito. ‘Yung mga tripulante ay nandoon pa rin,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang interbyu.

Nasira ang makina ng barko at kasalukuyang isinasagawa ang rescue operations.

“As of kahapon, mayroong pagsalakay ng mga Houthi… Sa ngayon, mayroon nang rescue underway at mayroong mga reported about certain casualties pero hindi pa natin ito kinukumpirma,” dagdag pa ng kalihim.

Nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Pilipinong kapitan ng barko.

Ayon sa ulat, apat na tripulante ang nasawi at dalawa ang sugatan, ngunit hinihintay pa ang opisyal na kumpirmasyon.

Patuloy na minomonitor ng gobyerno ang sitwasyon at sisiyasatin kung sinunod ng kumpanya ang mga alituntunin ukol sa kaligtasan at pag-uulat.

May 22 crew sa barko—21 Pilipino at isang Ruso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here