MANILA, Philippines – IGINIIT ng Chinese Embassy sa Manila ang kanilang karapatan na parusahan si dating Senador Francis Tolentino sa kabila ng protesta at pagpalag ng gobyerno ng Pilipinas.
Para sa Tsina, ang kanilang aksyon ay nakapaloob sa kanilang legal prerogative.
Nauna rito, kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro na pinatawag nila si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian noong Biyernes.
Ito’y kasunod ng ipinatupad na travel ban ng Tsina kay Tolentino, kasunod ng kaniyang paninindigan kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
“The ambassador notified the DFA of the Philippines of China’s decision to impose sanctions on former senator Francis Tolentino, and emphasized that for quite some time, driven by selfish interests, a handful of anti-China politicians in the Philippines have made malicious remarks and moves on issues related to China that are detrimental to China’s interests and China-Philippines relations,” ang nakasaad sa kalatas ng embahada.
Nakasaad pa rin sa kalatas na naniniwala ang Chinese government na “firmly resolved to defend national sovereignty, security, and development interests.”
“Such sanctions fall purely within China’s legal prerogative, and there are consequences for hurting China’s interests,” ayon sa embahada.
Samantala, ipinaalala naman ni Lazaro kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na bilang isang demokrasya, pinahahalagahan ng Pilipinas ang kalayaan sa pamamahayag.
“In the Philippines’ adherence to the constitutional separation of powers among the three branches of government, it is the mandate of Senators and other elected officials to inquire on matters of national and public interests,” ayon sa Kalihim.
Sa ilalim aniya ng Saligang Batas, malinaw ang paghihiwalay ng kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan, at tungkulin ng mga senador at iba pang halal na opisyal na magsagawa ng mga imbestigasyon sa mga usaping may kaugnayan sa pambansa at pampublikong interes.
Sinabi pa ni Lazaro na ang anumang pagkakaiba ng pananaw ay dapat lutasin sa pamamagitan ng diplomasya at dayalogo. RNT