MANILA, Philippines – NANGAKO si Indonesian incoming President-elect Prawobo Subianto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na susuportahan at makikipagtulungan ito sa Pilipinas sa lahat ng larangan bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang ‘mahigpit na ugnayan” sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito’y matapos na mag-courtesy call si Prawobo kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang bilang bahagi ng “Asian custom” na bisitahin ang isang kaibigan bago maupo sa bagong posisyon.
Sa pakikipag-usap kay Pangulong Marcos, binanggit ni Prawobo ang ‘common cultural at historical roots ng Pilipinas at Indonesia, lalo pa’t ang dalawang bansa ay ‘close neighbors’ sa Southeast Asia.
“I came here today to pay my respects because exactly one month from now, on the 20th of October, God willing I will be inaugurated as president of the Republic of Indonesia,”ang sinabi ni Prawobo.
“Perhaps it’s the Asian way, our custom, that before we enter a new position, we call on our friends and to reconfirm my commitment to strengthen the close relationship that we have, traditionally, between the Philippines and Indonesia,” aniya pa rin.
“By the fact that we are very close neighbors, it behooves us, I think, to always support each other and to work together closely in all fields,” dagdag na wika nito.
Bilang tugon, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Prawobo sa pagbisita nito sa Maynila at nagpahayag na isang malaking kasiyahan na tanggapin si Prawobo sa Malakanyang.
“I think it bodes well for our two countries that you came to visit with the Philippines and it shows that the growing relationship between our two countries has been at a very strong level for many, many years,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, tinukoy ang malakas na ugnayan ng people-to-people, political at diplomatic relations.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na mamarkahan ng dalawang bansa ang 75 taon ng diplomatic relations sa darating na Nobyembre.
“I think your visit here today will certainly bring a new impetus to making that relationship between Indonesia and the Philippines stronger and deeper,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. Kris Jose