
PAGKATAPOS, nag-ala “kamikaze” siya upang samantalahin ang isyu para siraan ang mga kalaban niya sa pulitika. Sinisi niya ang ‘trolls’ at ang mga solidong tagasuporta ng kalaban ng kinabibilangan niyang partido, si incumbent Pasig Mayor Vico Sotto, sa malawakang pamba-bash sa kanya sa buong bansa.
Ang matatalinong botante ng Pasig, Mr. Sia, ay kaagad na makikita ito bilang pagbawi, o pagbubunton ng sisi sa iba kahit na alam na sarili ang nagkamali. Kung konteksto ang hanap ninyo, heto: isa iyong public campaign event at dapat na ligawan ang mga botante upang piliin sila mula sa iba pang kandidato sa pagkakongresista. Iyon ba ang pinakatamang paraan, para sa kanya, upang makuha ang kanilang mga boto?
Nangako si Sia na hindi na uulit pa. Well, iyan din ang inaasahan at hinihiling sa kanya. Ang Commission on Elections, nagpalabas naman ng show-cause order motu proprio. May ipinahihiwatig ito.
Maging ang sarili niyang kasamahan sa partido, si Shamcey Supsup-Lee — Miss Universe 2011 third runner-up, arkitekto, dating national pageant director, at ngayon ay kumakandidato sa konseho ng lungsod — ay kumontra sa kanya. Aniya: “I’ve spoken to Atty. Ian and shared my thoughts with him directly. I believe we all have moments to learn from, and I hope this becomes one of them.” Marespeto pero may diin at walang ligoy.
Tungkol naman sa pambato nila sa pagkaalkalde — si Ate Sarah Discaya, ang kanyang slap-on-the-wrist reprimand ay naglantad lang sa katotohanan na ang kanyang grupo ay mas nakatuon sa paninindigan sa isa’t isa kaysa pagkakaroon ng dignidad at pananagutan. Hindi ko alam kung ang hindi pagsasama kay Sia sa tatlo sa kanilang mga caucus at campaign sorties ay makapagpapalubag-loob sa mga botante ng Pasig.
Ang PR nightmare na ito na kagagawan din mismo ni Sia ay resulta ng isang indecent proposal — isang sexist attempt na pinagmukhang patawa sa pangangampanya — at isang nakapangingilabot na pagkambyo para magmukhang martir ng pulitika. Sinisi niya ang kampo ni Vico, na para bang ang naging pagkakamali ay nasa pagbatikos sa kanya. Pero walang spin, walang drama, at lalo namang walang halaga ng libreng legal advice ang makapagsasalba sa kanya.
* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).