MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbagal ng inflation rate sa Pilipinas sa ikatlong sunod na buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Martes, Abril 6, ay nananatili sa mas mababa sa 2% ang inflation rate noong Abril.
Sa press briefing, iniulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang inflation print, o bilis ng pagtaas sa presyo ng consumer goods at services, ay humupa sa 1.4% mula sa 1.8% noong Marso.
Ito na ang pinakamababa mula noong Nobyembre 2019 kung saan naitala ang 1.2% na inflation rate.
Nagdala ang inflation rate noong Abril sa year-to-date rate na 2%, o pasok sa ceiling ng pamahalaan na 2% hanggang 4% sa buong 2025.
“Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Abril 2025 kaysa noong Marso 2025 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages sa antas na 0.9% [from 2.2% in March],” ani Mapa.
“Ito ay may 82.3% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa,” dagdag pa. RNT/JGC