Home NATIONWIDE ‘People-first’ service delivery tampok sa Ease of Doing Business Month ng DSWD

‘People-first’ service delivery tampok sa Ease of Doing Business Month ng DSWD

MANILA, Philippines – Itinampok ng DSWD chief ang ‘people-first’ service delivery sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business Month.

“Ang aming thrust ay upang maghatid ng mga serbisyo na lampas sa inaasahan at hindi lamang pagsunod sa patakaran, na nagbibigay-daan sa publiko na ma-access ang suporta nang may dignidad at madali.”

Ito ang binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mensahe sa kick-off celebration ng ahensya para sa Ease of Doing Business (EODB) Month noong Lunes (Mayo 5) sa DSWD Central Office sa Quezon City.

Nabatid na ang mensahe ng Kalihim, na inihatid ni Undersecretary Adonis Sulit ng DSWD Policy and Plans Group (PPG) at ng Committee on Anti-Red Tape (CART) vice chairperson ng ahensya, ay nagbigay-diin din sa mga kapansin-pansing gawi ng Departamento sa pagpapatupad ng EODB Law.

“Mula sa digital innovations at streamlined workflows hanggang sa people-first policy na nagtataguyod ng good governance, ang mga tagumpay na ito ay posible dahil binuksan natin ang ating mga pinto sa inclusive governance, pakikinig sa boses ng ating publiko, partners, at stakeholders,” sabi ng DSWD chief.

Ang pagdiriwang ng EODB Month ng DSWD ay dinaluhan din ng mga piling bisita na nagbahagi ng kanilang mga testimonial bilang mga kasosyo at kliyente ng ahensya.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni United Nations (UN) World Food Programme (WFP) Philippines Deputy Country Director Dr. Dipayan Bhattacharyya na ang DSWD acronym ngayon ay nangangahulugang “delivering services with dignity; delivering services with diligence; and delivering services with dedication” dahil sa makabuluhang improvement. Santi Celario