Home HOME BANNER STORY Inflation bumagal sa 4.1%

Inflation bumagal sa 4.1%

MANILA, Philippines – PUMALO sa 4.1% ang inflation nito lamang Nobyembre sa gitna ng pagbagal ng pagtaas sa presyo sa pagkain at pagbaba sa gastos sa pag-byahe dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis.

Mas mababa ito kumpara sa 4.9% na nakita noong Oktubre at nasa loob naman ng 4 hanggang 4.8% na  range forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Tinuran ng PSA na mas mababa ang year-on-year growth rate ng heavily-weighted food at non-alcoholic beverages na 5.7% noong nakalipas na buwan mula 7% noong Oktubre.

“This was followed by transport with 0.8 percent annual decrease from 1 percent annual growth in October 2023,” ayon sa kalatas ng PSA.

Sinasabi pa na ang mas mabagal na inflation clip ang naghatid sa 11-month average na 6.2%, na masasabing “still above the government target” na 2 hanggang 4%  inflation.

“Core inflation, which excludes selected food and energy items, decelerated further to 4.7 percent in November 2023 from 5.3 percent in the previous month,” ayon pa rin sa  PSA.

“The average core inflation from January to November 2023 to 6.8 percent,” ang pahayag pa rin ng ahensiya.

Samantala, tumama ang inflation sa 14-year peak na 8.7% noong Enero matapos na sumirit ang presyo ng pagkain at langis.

Sa ulat, nangungunang “urgent national concern” pa rin para sa mga Pilipino ang pagkontrol sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin — bagay na consistent simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022. Kris Jose