Home NATIONWIDE Inflation nananatiling most urgent concern ng mga Pinoy – sarbey

Inflation nananatiling most urgent concern ng mga Pinoy – sarbey

MANILA, Philippines- Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipinong nasa hustong gulang na nananatili ang inflation na most urgent national concern para sa unang quarter ng 2024.

Lumabas sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na 66% ng adult Filipinos ang nakakakita ng urgent concern “controlling the increase in prices of basic goods and services.” 

Sinundan ito ng pagkabahala sa abot-kayang pagkain (44%), dagdag-sahod (44%), paglikha ng mas maraming trabaho (33%), at pagbawas ng kahirapan (30%).

Naitala naman ang paghahanda para sa terrorist threat at Charter bilang “least concerns” ng mga Pinoy, ayon sa poll.

“Fewer adult Filipinos identified controlling inflation as a top urgent national concern… The figure is seven percent lower than in the previous quarter (4th quarter of 2023). Despite the decrease, it is still around ten percent higher than the average of the first three quarters under the Marcos administration,” base sa survey.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interviews mula March 11 hanggang 14, 2024. Nilahukan ito ng 1,200 male at female probability respondents na edad 18 pataas.

Ang survey ay mayroong ±3% margin of error sa 95% confidence level. 

Bumilis pa ang inflation sa bansa noong Marso, sa ikalawang sunod na buwan ng pagtaas sa gitna ng mas malaking food at transportation costs, base sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Inihayag ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na bumilis ang inflation sa 3.7% noong Marso 2024 mula 3.4% noong Pebrero 2024. RNT/SA