Home HOME BANNER STORY Inflation noong Setyembre humupa sa 1.9%

Inflation noong Setyembre humupa sa 1.9%

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbagal ng inflation rate sa bansa sa ikalawang sunod na buwan nitong Setyembre.

Sa pulong balitaan, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Oktubre 4 na ang inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo ay bumagal sa 1.9% noong nakaraang buwan, o matinding pagbaba mula sa 3.3% rate noong Agosto.

Dahil dito, ang year-to-date inflation print ay nasa 3.4%, o pasok sa ceiling ng pamahalaan na 2% hanggang 4% sa buong taon.

“Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Setyembre 2024 kaysa noong Agosto 2024 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages sa antas na 1.4%,” sinabi ni National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa.

“Ito ay may 69.1% share sa pagbaba ng pangkahalatang inflation sa bansa,” dagdag pa ng PSA chief. RNT/JGC