Home NATIONWIDE Inflation posibleng pumalo ng hanggang 2.2% ngayong buwan – BSP

Inflation posibleng pumalo ng hanggang 2.2% ngayong buwan – BSP

291
0

MANILA, Philippines – Posibleng pumalo ang inflation ngayong Oktubre sa hanggang 2.2% , ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa BSP, lumagpas ito sa 1.7% inflation noong Setyembre.

Sinabi ng BSP na makakaapekto sa inflation o bilis ng paggalaw ng presyo ng bilihin at serbisyo ang mas mahal na presyo ng bigas, isda, gulay at kuryente.

Kasama rin sa tinukoy ng BSP na sanhi ng paggalaw ng inflation ngayong Oktubre ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Upang mahagyang maibsan ang pagtaas ng inflation, makakatulong naman ang mas murang halaga ng langis, karne at prutas, ayon sa BSP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here