Home HOME BANNER STORY Inflation posibleng umabot sa 3.7 ‘gang 4.5 percent – BSP

Inflation posibleng umabot sa 3.7 ‘gang 4.5 percent – BSP

MANILA, Philippines – Posibleng manatili sa pagitan ng 3.7 percent at 4.5 percent ang inflation para sa buwan ng Mayo, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes, Mayo 31.

Ayon sa BSO, ilan sa mga nakaapekto sa inflation ay ang mas mataas na electricity rates, presyo ng mga gulay at pagbaba ng halaga ng piso na nagdulot sa mas mahal na imports.

Sa kabila nito, nakatulong naman ang mas mababang presyo ng bigas, isda at prutas, maging ang langis at liquefied petroleum gas (LPG) para mapahupa ang inflation.

Noong Abril ay naitala ang 3.8 percent na inflaton dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pagkain. RNT/JGC