JAPAN – Papalitan ang itim na harang na inilagay upang hindi na dagsain ng mga turista ang scenic view ng Mt. Fuji sa Yamanashi Prefecture, Japan.
Ayon sa alkalde, nakitaan kasi ng kabi-kabilang butas ang barrier.
Inilagay ang barrier upang maiwasan na ang pagdagsa ng mga turistang matitigas ang ulo at nakagagambala na sa mga residente roon.
Gagawing mas matibay ang bagong screen na ihaharang sa view at papalitan ng kulay blue o green, dahil ang black “has a negative image,” ani Mayor Hideyuki Watanabe ng Fujikawaguchiko, Yamanashi Prefecture.
Matapos ilagay ang screen noong Mayo 21 upang maiwasan ang pagdagsa ng mga turista sa lugar na harap ng isang Lawson convenience store, sa sumunod na araw ay nakitaan agad ito ng butas na nadagdagan pa ng mga sumunod na araw.
“It is disappointing to see a lack of morals” ani Watanabe, para sa mga gumagawa ng butas. RNT/JGC