Manila, Philippines – Nag-react si Bela Padilla sa viral na TikTok video na kinasasangkutan ng socialite at social media influencer na si Cat Arambulo.
Sa nasabing video, makikita ang socialite na sakay ng kotse kasama ang kanyang mga anak at yaya na naglilibot sa kasagsagan ng baha noong bagyong Carina.
Ayon kay Cat, first time raw na ma-experience ng kanyang mga anak ang baha sa Maynila.
Nagtanong pa siya sa yaya na kung okey daw ba ang gumamit ng floatie para makapagtampisaw sa baha.
Aniya: “First time for the kids to experience baha here in Manila… Safe kaya mag-floatie diyan, Yaya? I guess so, it’s just water.”
Sinopla naman siya ni Bela nang magkomento ito ng: “You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang pagtuligsa ni Bela sa nasabing socmed influencer.
Marami ang sumang-ayon sa pagsupalpal ng aktres kay Cat.
Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.
“How insensitive. People die in this type of situation, damage their property, and lose their loved ones.
“So no, Baha is not just some water. It’s a serious disaster that affects real people. Plus her asking if it’s safe? Lol.
“It makes me wonder if they truly understand the gravity of the situation. Comments like that are not only insensitive but also ignorant of the real suffering and loss that people endure during these times. I just can’t with such people.”
Ito naman ang reaction ng mga metizens.
“Always in her own world, out of touch.”
“Bela cancelled na yan si Cat.”
“That shows more of her character.”
“Go Bela, get her!”
“I worry for the new generation if this is how we raise our kids.”
“Just water. Might as well drink it kids!”
“Pag mayaman ka ba ganyan dapat? Napaka-insensitive for this kind of situation. Hindi ka pwde magtanga-tangahan. Dapat tinry mo, use all your floatie and try to give the other floaties to those people who need it the most. Those people na medyo mataas pero as you can see, pantay ang Dyos. Naranasan ng mga taong mayaman at mahirap ang sakuna.”
Si Cat ay dati nang nakuyog noong panahon nang pandemya dahil sa kanyang insensitive comment tungkol sa mga taong lumalabas para magtrabaho sa kabila ng banta ng Corona virus. Archie Liao