Manila, Philippines – Pagkatapos mag-break ay hindi na nagkaroon ng communication sina Iñigo Pascual at Maris Racal.
Pero aminado ang una na nananatili siyang updated sa ilang mga ganap ng huli at kabilang na nga riyan ‘yung recent breakup ni Maris kay Rico Blanco.
“I saw it, actually watched it. I feel for her. I know it’s tough,” sabi ni Iñigo sa ulat ng ABS-CBN News.
“But I see it in a good light. She’s getting to know herself. She’s choosing herself. That’s something I’m very proud of her,” aniya pa.
Kasunod niyan ay inihayag niya ang kanyang suporta para kay Maris na i-priority muna ngayon ang self-love.
“I’m happy for her for choosing herself, to be strong for herself. Hindi madali ‘yun.
“Minsan, you get blinded by the things you want, the things you’re comfortable with. Like me, going to the States, I feel like it’s a parallel situation.
“It’s not the ideal move for me, but when you learn about yourself, it’s a big step.”
Taong 2018 nu’ng nag-break sina Maris at Iñigo, at huli silang nagsama sa pelikulang “I’m Ellenya L.” noong 2019.
Samantala, taong 2021 naman nang kumpirmahin ni Maris ang relasyon nila ni Rico makalipas ang dalawang taon nang mag-collaborate sila sa isang single.
Noong July 12, inanunsyo ni Maris sa isang press conference na naghiwalay na sila ni Rico.
Bagama’t hindi niya inilahad ang naging dahilan, inamin niya na ang mga nakalipas na linggo ang loneliest and emptiest weeks ng kanyang buhay. Rommel Placente