NEW YORK- Itinuro ng mga imbestigador ang isang 57-anyos na Pilipino bilang suspek sa 1991 kidnapping, rape, at murder ng isang turista sa Hawaii base sa DNA.
Sinabi ni Hawaii Police chief Ben Moszkowicz na ang suspek, kinilalang si Albert Lauro Jr., was ay naaresto noong Hulyo 19 subalit pinalaya dahil sa lack of probable cause.
Subalit, nagpatiwakal si Lauro, apat na araw matapos makolekta ng mga awtoridad ang kanyang DNA samples noong nakaraang linggo. Nakumpirma sa pagsusuri sa samples na siya ang suspek sa pagpatay sa biktimang si Dana Ireland.
Natagpuan ang bangkay ni Ireland noong Disyembre 25, 1991 sa Kapoho, Hawaii. Noong panahong iyon, nagbabakasyon siya sa Hawaii mula sa Virginia.
Tatlong kalalakihan ang nakulong ng 26 taon sa krimen bago mapalaya. Napatay ang isa sa mga ito ng kasamahan nila sa kulungan.
Muling binuksan ang kaso matapos tumugma ang DNA ni Lauro sa ebidensya mula sa crime scene, public records, at iba pang impormasyon.
Lumabas sa forensic examinations na tumira si Lauro malapit sa lugar kung saan natagpuan ang mga labi ni Ireland noong maganap ang krimen.
Hindi inilahad ni Moszkowicz ang detalye hinggil sa pagpapatiwakal ni Lauro, sa pagsasabing gumugulong pa ang imbestigasyon upang matiyak ang hustisya para sa pamilya ng biktima.
Sa ulat, inihayag ni Hawaii Police Department Capt. Rio Amon-Wilkins na ang eksaktong pagkakasangkot ni Lauro sa krimen “is still under investigation.” RNT/SA