Home NATIONWIDE P48M ilegal na droga nasabat ng PNP-PDEG noong Hulyo

P48M ilegal na droga nasabat ng PNP-PDEG noong Hulyo

116
0

MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) – Drug Enforcement Group (PDEG) ang ilegal na drogang nagkakahalaga ng mahigit P48.4 milyon noong Hulyo.

Inihayag ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta nitong Huwebes na nasamsam ang narcotics sa 54 intelligence-driven operations, binubuo ng 27 buy-bust operations, apat na search warrant operations, isang operasyon na nagresulta sa pagsuko ng illegal drugs, dalawang marijuana eradication operations, isang interception operation, at 19 service of warrant of arrest operations, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 61 drug personalities na sangkot sa mga ilegal na aktibidad na ito.

Kabilang sa mga ilegal na drogang ito ang 5.3 kilo ng shabu, 232 piraso ng ecstasy tablets, 640 gramo ng ketamine, 813 gramo ng high-grade marijuana, 170 gramo ng liquid laughing gas ampules, 40 gramo ng marijuana oil, 3 piraso ng marijuana cookies, 5 gramo ng Khalifa Karts, 33 piraso ng e-cigars na may liquid marijuana, 33,000 piraso ng fully grown marijuana plants, 818.60 gramo ng dried marijuana leaves, at 2 gramo ng sativa hybrid.

Pinuri ni Matta ang PDEG officers sa dedikasyon at husay ng mga ito sa pagsugpo sa drug-related crimes.

“Their collaborative actions have disrupted illicit drug activities, apprehended offenders, and contributed to creating a safer, drug-free community. This success underscores our unshakable commitment to upholding our mandate,” anang opisyal.

Dagdag ni Matta, nakatulong ang crackdown ng PDEG sa pagkontrol sa pagkalat ng ilegal na droga, kung saan tinitiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Nitong Miyerkules, nabuking ng PDEG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents ang parcel na naglalaman ng tinatayang P7.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa interception operation sa kahabaan ng Central Mail Exchange Domestic Road sa Pasay City. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here