Home NATIONWIDE ‘Innocent passage’ ng 4 China Navy ships mula Tawi-Tawi kinumpirma ng AFP

‘Innocent passage’ ng 4 China Navy ships mula Tawi-Tawi kinumpirma ng AFP

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command ang “innocent passage” ng apat na People’s Liberation Army Navy vessels sa pamamagitan ng Sibutu Passage mula sa Tawi-Tawi, ayon sa ulat nitong Linggo.

Batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS, itinuturing ang pagdaan na “innocent” kung hindi ito “prejudicial” sa kapayapaan, kaayusan, o seguridad ng coastal state na may hurisdiksyon sa lugar.

Namataan at kinuhanan ng larawan ng isang lokal na patungo sa bayan ng Bongao ang Chinese Navy ships.

Ang PLA vessels ay may hull numbers na 887, 552, 174, at 105. RNT/SA