Home SPORTS Insentibo ni Carlos Yulo lumampas na sa P60M

Insentibo ni Carlos Yulo lumampas na sa P60M

173
0

MANILA, Philippines – Matapos masungkit ang kanyang ikalawang gintong medalya sa Paris Olympics, nagsimulang bumuhos ang mga karagdagang bonus para sa isa sa pinakadakilang Olympian ng bansa na si Carlos Yulo.

Ayon sa ulat, ang kanyang financial incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act ay pumalo  na ngayon sa P20 milyon dahil sa ilalim ng RA 10699, bawat Olympics gold medalist ay may karapatan sa P10 milyong pabuya.

Kasabay nito, in-upgrade ng Megaworld ang reward nito sa 24-year-old gymnast dynamo sa pamamagitan ng paglalaan ngayon ng mas malaking three-bedroom, fully-furnished unit sa isa sa mga premier resident property nito sa McKinley Hills na nagkakahalaga ng P32 milyon.

Ang unit ay bukod sa isang espesyal na cash bonus na P3 milyon na ibibigay din ng higanteng real estate property para sa makasaysayang tagumpay na nakuha ni Yulo sa kasaysayan ng palakasan sa Pilipinas.

Orihinal na naglaan ang  Megaworld ng isang two-bedroom unit na nagkakahalaga ng P24 milyon matapos ang Pinoy na maghari sa men’s all-around exercise Sabado ng gabi para sa kauna-unahang ginto ng Philippine gymnastics sa Olympics.

Ngunit pagkatapos magdagdag ng isa pang ginto si Yulo sa kanyang koleksyon sa pamamagitan ng paghahari sa men’s vault makalipas ang 24 na oras, nagpasya ang Megaworld na palakihin pa ang premyo.

“Dahil ito ay isang napakahalagang milestone sa kasaysayan ng Philippine sports na magkaroon ng dalawang Olympic medals sa ating ika-100 taong paglahok bilang isang bansa sa Olympiad, na kasabay din ng ika-35 anibersaryo ng ating kumpanya ngayong taon, pinalalakas natin ang ating pabuya para kay Carlos Yulo. ngayon totaling to P35 million,” ani Megaworld president Lourdes Gutierrez-Alfonso sa isang statement.

“He really deserves this and we will always be proud of him for taking Filipino excellence to the next level.”

Sa ngayon, ang kabuuang insentibo ay umabot sa P55 milyon para kay Yulo habang nakabinbin ang iba pang windfall na ipinangako o ibibigay ng ibang gobyerno at pribadong entity.

Inanunsyo ng Chooks To Go noong Lunes ng umaga na mamimigay ito ng P3 milyon kay Yulo, habang lifetime eat-all-you-can din ang ibinigay ng Vikings Group.

Nangako na ang House of Representative ng P6 milyon para sa double golden feat, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Ginagarantiyahan din ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pamamagitan ng pangulo nitong si Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang isang house and lot sa Tagaytay para kay Yulo.

Hindi pa inaanunsyo ng MVP Group at San Miguel Corporation kung mamimigay ang kumpanya ng mga insentibo para kay Yulo, bagama’t ang dalawang business firm ay magiliw na nagbigay ng financial packages kay Hidilyn Diaz nang ang Filipina weightlifter ay umiskor ng kauna-unahang Olympic gold medal sa bansa noong Tokyo Summer Games.

Ang 33-anyos na si Diaz ay tumanggap ng mahigit P50 milyon na pabuya nang siya ay lumabas bilang kauna-unahang Pilipinong atleta na nanalo ng ginto sa Olympiad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here