Home NATIONWIDE “Inside-Out” planetary system, nadiskubre ng mga astronomo

“Inside-Out” planetary system, nadiskubre ng mga astronomo

399
0

ENGLAND – Ikinamangha ng mga astronomo ang natuklasan na kakaibang planetary system sa LHS 1903.

Ang mga planeta rito ay nakaayos sa hindi pangkaraniwang order: rocky-gaseous-gaseous-rocky, kabaligtaran sa inaasahan ng mga siyentipiko.

Karaniwan, ang mga planeta malapit sa bituin ay maliit at rocky, habang ang mga nasa malayo ay gas giants.

Ngunit sa LHS 1903, ang pinakalayong planeta ay rocky, na nagpapahiwatig na maaaring nabuo ito sa isang gas-depleted na kapaligiran.

Ayon kay Thomas Wilson ng University of Warwick, ito ang unang ebidensya ng planeta na nabuo pagkatapos maubos ang gas sa protoplanetary disc, at pinapaisip ang mga astronomo na baguhin ang umiiral na teorya sa pagbuo ng mga planeta. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here