Home HOME BANNER STORY DepEd: 5-day wellness leave, maaari nang magamit ng mga guro, support teachers,...

DepEd: 5-day wellness leave, maaari nang magamit ng mga guro, support teachers, non-teaching staff

251
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang Department of Education (DepEd) na lahat ng teaching at non-teaching personnel ay puwede nang kumuha ng hanggang limang araw na wellness leave bawat taon upang pangalagaan ang kalusugan at mental well-being.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang suporta sa mental health at kapakanan ng empleyado sa pampublikong sektor.

Maaaring gamitin ang wellness leave para sa mental health, physical wellness, o simpleng pahinga. Ito ay hiwalay sa vacation at sick leave, at maaaring kunin nang sunud-sunod o hindi sunud-sunod, ngunit hindi pwedeng i-carry over o gawing cash. Ang impormasyon na may kinalaman sa mental health ay mananatiling kumpidensyal.

Ang benepisyo ay bukas sa lahat ng empleyado ng DepEd, kabilang ang permanent, temporary, casual, contractual, coterminous, substitute, provisional, at Contract of Service/Job Order personnel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here