Home NATIONWIDE Inspeksyon sa Port of Marawi pinangunahan ni PBBM

Inspeksyon sa Port of Marawi pinangunahan ni PBBM

MANILA, Philippines – BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para inspeksyunin ang Port of Marawi bilang bahagi ng kanyang site visits para tapusin ang ‘recovery and reconstruction projects’ sa Marawi City, Lanao del Sur, araw ng Lunes, Hunyo 23, 2025.

Ang Port of Marawi, may kabuuang halaga na P261.5 million, tampok ang “isang 8,000-square-meter backup area, isang single-storey passenger terminal building na may seating capacity na 132, isang one-storey fish port, berthing facilities para sa ‘fast craft’ , at isang Roll-on/roll-off (RoRo) ramp.”

Bago pa ang development nito, ang tanging existing facility sa port o daungan ay ang causeway o daanan ng mga sasakyan na ginagamit ng lokal na mangingisda, ang port ay inaasahan na makapagpapahusay sa transportasyon at kalakalan sa rehiyon.

Ang proyekto ay bahagi ng Marawi Recovery, Rehabilitation, and Peacebuilding Program (MRRP) na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD), dating kilala bilang Task Force Bangon Marawi.

Ito’y inisyatiba ng Office of the President (OP) para mapabilis ang ”recovery, reconstruction at rehabilitation” ng Lungsod na sinalanta ng five (5)-month long siege dahilan para ma-displaced ang halos 400,000 residente noong May 23, 2017.

Samantala, dumating na ang Starlink unit na ibinigay ni Pangulong Marcos para sa mga mag-aaral at guro ng Temporary Learning Spaces sa Marawi City.

Magkakaloob din ang Pangulo ng tig-iisang Starlink sa Bangon Elementary School, Bacarat National High School, Angoyao National High School at Cabasaran Primary School para mas mapalapit ang internet sa mga liblib na paaralan. Kris Jose