MANILA, Philippines – Magkakaloob ng libreng sakay sa piling railways ang Department of Transportation at Maritime Industry Authority sa mga Pinoy seafarer sa darating na Hunyo 25.
Mula alas-7 ng umaga, libre ang sakay sa LRT-2 hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.
Habang sa MRT-3 naman, libre ang sakay sa tren mula alas-5:30 ng umaga hanggang sa pagtatapos ng operasyon.
Ito ay bilang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer sa nasabing petsa.
Kinakailangan lamang ipakita ng mga marino ang kanilang valid Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identity Document, o Seafarer’s Identification Booklet.
Isang pagkilala ito sa mahalagang papel ng mga Filipino seafarers sa pandaigdigang industriya ng maritime. Jocelyn Tabangcura-Domenden