Home NATIONWIDE 26 Pinoy nakaalis na sa Israel – PH embassy

26 Pinoy nakaalis na sa Israel – PH embassy

MANILA, Philippines – Dinala sa Embahada ng Pilipinas sa Israel ang 26 Filipinos na nagnanais ng voluntary repatriation at pabalik na sa Pilipinas, ayon sa embahada.

Sa social media post, sinabi ng embahada na ang 26 Filipino ay umalis sa Israel sa pamamagitan ng voluntary repatriation program.

Sinabi rin na inayos ng embahada ang mga trasnportasyon ng mga OFW, transit visas, travel documents at plane tickets.

Sa press conference nitong Linggo, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na ang unang batch ng returnees ay nakatakdang dumating sa Pilipinas, Martes ng umaga at pinroseso ng gobyerno ang repatriation ng 233 pang Pilipino mula Israel.

Noong Hunyo 13, naglunsad ng ilang air strikes ang Israel sa Iran na sinasabing ang Islamic Republic ay nasa bingit ng pagbuo ng isang nuclear weapon.

Gumanti ang Iran at noong Linggo, binomba ng US ang tatlong nuclear sites sa Iran. Jocelyn Tabangcura-Domenden