Home ENTERTAINMENT Interview ni Yen kay Chavit, hindi pinaniwalaan?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Interview ni Yen kay Chavit, hindi pinaniwalaan?August 30, 2025 16:472710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Hindi nakaganda sa imahe ni Yen Santos ang teaser ng interbyu niya kay Chavit Singson para sa kanyang YouTube channel.Ang claim ni Yen: family friend o close ng kanyang mga magulang ang dating pulitiko.Pero agad na napansin ng mga netizen ang pagiging sobrang kumportable ni Yen sa kanyang subject, may matching touch pa sa kanyang lap.Being much older, nasaan na raw ang respeto o reverence ni Yen?Napakakaswal din niyang sinabi kay Chavit na naiisyu sila: “May anak na daw tayo, malaki na, si Yan-yan?”To which ang sagot ni Chavit ay: “Ewan ko sa iyo.”May mga netizen namang nagpatunay na totoo ito.In fact, binigyan pa nga raw ni Chavit ng bahay si Yen, ayon sa isang netizen na nagpakilalang best friend ng pinsan ni Yen.Obvious na walang redeeming value ang vlog interview na ’yon ni Yen.Malabo ngang makakuha si Yen ng pagkabilib sa kanya dahil bumaba ang kanyang credibility.Hirit pa ng isang netizen: “Sa tingin mo, may maniniwala pa sa iyo after ’yung issue sa inyo ni LJ Reyes?”Matatandaang inamin ni Yen na siya ang dahilan ng pagkawasak ng pagsasama nina LJ at Paolo Contis.Naging magkarelasyon sila ni Paolo na kalaunan ay hiniwalayan din niya.Ronnie Carrasco III