MANILA, Philippines – “Rest assured, kayong mamamahayag ay malaya dito sa Maynila. Umasa kayo na suportado namin ang malayang pamamahayag sa Lungsod ng Maynila.”
Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nang magsilbi itong panauhing pandangal sa ginanap na pagdiriwang ng National Press Freedom Day sa National Press Club of the Philippines sa Intramuros, Maynila.







