Home ENTERTAINMENT Int’l models, actors kinabog ni Lovi sa Milan!

Int’l models, actors kinabog ni Lovi sa Milan!

Milan, Italy – Si Lovi Poe pa ba naman ang hindi mangangabog sa dinaluhang event sa Milan, Italy?

Hindi na kataka-taka kung nagmarka’t nakalikha ng malakas na impact ang presensya ni Lovi sa pagtitipon sa nasabing lugar.

No wonder, agad nag-post si Lovi ng mas malinaw na larawan sa social media with emphasis on her revealing outfit.

Ayon sa post ng Vogue Philippines, dalawa sila ni Nadine Lustre had the pleasure to get invited sa event na ‘yon.

The two actresses had the chance to rub elbows with foreign actors and Brazilian model Alessandra Ambrosio.

Model din ang galawan nina Lovi at Nadine with their respective outfits.

Nadine donned a bareback wear showing some flesh on her side body, samantalang “braless kung braless” si Lovi na masa-sight ang kanyang nagmumurang boobey!

Hayun, hindi magkamayaw ang mga photographer na nakabuntot kay Lovi habang walang patlang ang pitik ng kanilang mga camera.

Eh, ano naman kung may Brazilian model pa roon, couldn’t our very own Lovi and Nadine pull strings?

Maitatanong lang: ano kaya ang reaksyon ng asawa ni Lovi sa kanyang “pasilip”?

But wait, lest we forget ay tinanggap si Lovi ng kanyang dyowang afam for who she is.

At proud pa sa aktres bilang trophy wife! Ronnie Carrasco III