Home ENTERTAINMENT Ipe, may mensahe sa mga basher!

Ipe, may mensahe sa mga basher!

Manila, Philippines – Makailang ulit naming pinanood ang seconds-video sa Facebook

account ng isang schoolmate sa kolehiyo to verify kung si Phillip Salvador nga ang naroon.

Halatang kuha ‘yon sa isang malaking rally.

Nasa tabi niya ang isang nakasalamin na lalaki.

Kapwa sila nakabihis ng barong Tagalog.

Ang anggulo–nakaharap si Phillip sa tila grupo ng mga mediamen na nag-iinterbyu sa kanya.

Obyus na ambush interview ‘yon kung saan hiningan ng reaksyon ang action star kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa kanyang mga detractors at kritiko.

Si Phillip o mas kilala bilang Ipe in showbiz circles ay tatakbong senador para sa 2025 mid-term elections.

Kasama niya sa partidong identified sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sina Senator Bong Go.

Ang tumatayo namang campaign manager ng partido ay si Senator Robin Padilla.

Diretso ngang sinagot ni Ipe ang tanong sa kanya.

“Sa lahat ng mga bumabatikos…mamatay kayong lahat!

“Maraming salamat po!” sabay talikod.

Going over the comments, wala ni isang positibong komento ang natisod namin sa inasal ng senatoriable.

Pero tinitiyak ng mga ito na malabong palarin si Phillip sa inaasam na posisyon. Ronnie Carrasco III