MANILA, Philippines – Bahagya nang binuksan ng Iran ang airspace nito matapos ang tigil-putukan sa Israel na nagtapos sa 12 araw ng labanan, ayon sa state media nitong Miyerkules.
Bukas na ang silangang bahagi ng bansa para sa mga international overflights at mga biyahe patungo o mula sa mga paliparan sa silangang Iran, kabilang ang Mashhad, Chabahar, Zahedan, at Jask.
Isinara ng Iran ang himpapawid nito noong Hunyo 13 matapos ang pambobomba ng Israel na sinagot ng mga missile strike mula sa Iran.
Ayon kay transport ministry spokesman Majid Akhavan, nananatiling sarado ang airspace sa ibang bahagi ng bansa, kabilang ang kabisera na Tehran, “hanggang sa susunod na abiso.” RNT