JERUSALEM- Inatake ng Israel ang military sites sa Iran nitong Sabado, na sinabing ganti ito sa pag-atake ng Tehran sa Israel nitong buwan.
Makalipas ang ilang oras, sinabi ng Israeli military na nakumpleto na ang strikes nito, subalit nangako ang isang semi-official Iranian news agency ng “proportional reaction” sa aksyon ng Israeli laban sa Tehran.
Iniulat ng Iranian media ang pagsabog sa kabisera at mga kalapit na military base, lampas alas-2 ng madaling araw (2230 GMT Friday).
Iniulat ng public broadcaster ng Israel na tatlong “waves” ng pagpapasabog ang nakumpleto at tapos na ang operasyon.
Ayon naman sa Iran, matagumpay na nakontra ng air defence system ang pag-atake ng Israel sa military targets sa mga probinsya ng Tehran, Khuzestan at Ilam na may “limited damage” sa ilang lokasyon.
Masasabing ito ang paghihiganti ng Israel sa ballistic-missile barrage na isinagawa ng Iran noong Oct 1, kung saan halos 200 missiles ang inilunsad target anf Israel at isang indibdiwal ang nasawi sa Bank.
Umigting ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran mula nang atakihin ng Hamas, ang Iran-backed Palestinian militant group na naka-base sa Gaza, ang Israel noong Oct 7, 2023. Sinusuportahan ang Hamas ng Lebanon-based Hezbollah militants, na suportado rin ng Iran. RNT/SA