Home TOP STORIES Iran, nagbabala: Hotels na may US troops sa MidEast, posibleng target

Iran, nagbabala: Hotels na may US troops sa MidEast, posibleng target

139
0

TEHRAN, Iran – Nagbabala ang militar ng Iran na maaaring gawing target ang mga hotel na kinaroroonan ng mga sundalong Amerikano sa iba’t ibang bahagi ng Middle East sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan ng Iran laban sa Estados Unidos at Israel.

Ayon kay Abolfazl Shekarchi, tagapagsalita ng armed forces ng Iran, kapag nasa isang hotel ang mga sundalong Amerikano, itinuturing din itong bahagi ng kanilang target.

“Should we just stand by and let the Americans strike us? When we respond, naturally we have to strike wherever they are,” ani Shekarchi sa state television.

Sinabi rin ng Iran na ginagamit umano ng mga sundalong Amerikano ang mga hotel sa mga bansang kaalyado sa Gulf bilang pansamantalang lugar o “human shields,” at nanawagan pa na huwag silang tanggapin sa mga hotel.

Ayon sa ulat, nagsimula ang digmaan matapos ang magkasabay na pag-atake ng Israel at Estados Unidos sa Iran noong Pebrero 28, na nagresulta sa pagkamatay ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, at mabilis na paglawak ng labanan sa buong Middle East.

Mula noon, gumanti ang Iran sa pamamagitan ng drone at missile attacks laban sa Israel at mga interes ng US sa rehiyon.

Mariin namang itinanggi ng mga bansang Gulf ang paratang na pinapayagan nilang gamitin ang kanilang teritoryo para sa pag-atake sa Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here