Home TOP STORIES IRespond emergency app sa Muntinlupa kasado na

IRespond emergency app sa Muntinlupa kasado na

94
0

Real time reporting at quick response!

Ilan lamang ito sa mga bagong feature ng IRESPOND app ng pamahalaang Lunsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, kargado ang nasabing app ng photo and video capability para sa mabilis na assessment ng scenario.

Maaari ding mamonitor ng main monitrong unit ang pagkakakilanlan ng humihingi ng tulong, at kung nasaan siyang lugar.

Patunay aniya ang iRespond mobile app sa dedikasyon ng Pamahalaang Lunsod sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Hindi lang aniya pinahuhusay ng IRespond  ang public safety sa Muntinlupa kundi pinatitibay rin  ang katatagan ng Lunsod sa panahon ng krisis.

Para aniya sa Muntinlupa at kapakanan ng mga Muntinlupenyo ay isang hakbang patungo sa pagiging smart city ang kanilang inilunsad na irespond emergency app ng lungsod.

Ani Mayor Ruffy, may kapasidad ng real time tracking at quick response sa pamamagitan ng mga high tech na gadgets ng lungsod.

Liban pa rito ay inaayos na umano ng kanilang Pamahalaang Lunsod ang pagkakaroon ng iisang server para sa mga health files ng mga taga-Muntinlupa.

Kaya sa pamamagitan aniya nito, kahit saang health center magtungo ang isang taga Muntinlupa ay accessible ang health records nito.

“Safety is just a tap away, sa pamamagitan ng iRespond, mas mabilis na ma-re-report at maaksyunan kung kailangan ng medical assistance, fire rescue, police intervention, o iba pang kritikal na serbisyo”, sabi ni Mayor Biazon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here