Home ENTERTAINMENT Iris, flinex ang ‘akbay photo’ sa France with Xian!

Iris, flinex ang ‘akbay photo’ sa France with Xian!

Manila, Philippines – Turn naman ng film producer na si Iris Lee na buong pagmamalaking i-flex ang “akbay photo” nila ni Xian Lim sa kanyang Instagram account.

Ipinost ni Iris ang ilang larawan kuha sa Cannes, France kung saan sila naroon as of this writing.

May kuha ang magkasintahan habang naglalakad sa kalye, kung saan nakaakbay si Xian kay Iris na parehong nakapayong.

Kung matatandaan, hindi ‘yun ang kauna-unahang akbay photo nina Xian at Iris na nag-viral.

The first was taken in Bangkok, Thailand.

Ito ‘yung time way before Xian’s interview by Esquire Philippines on May 2 kung saan kinumpirma ng aktor ang kanilang relasyon.

Si Iris ang producer ng pelikulang tampok si Xian na Kuman Thong na kinunan sa Thailand.

With Iris’ flexing their photos together, obyus na pagsang-ayon na rin ‘yon sa naunang pahayag ni Xian that there’s something romantic between them.

Samantala, itinanggi naman ni Xian na tinawagan niya ang dating nobyang si Kim Chiu para ito ang magsapubliko ng tungkol sa bago niyang karelasyon.

Dinenay rin ni Xian na naglambing siya kay Kim para ipagluto siya nito ng steak only to break up with her.

Ani Xian, ang totoo raw ay hindi siya ang nag-initiate ng breakup nila ni Kim.

Pero mutual decision daw nilang dalawa na tuldukan ang kanilang relasyon that spanned 12 years. Ronnie Carrasco IIi