Home HOME BANNER STORY Isa dedo, 2 sugatan sa granada sa perya

Isa dedo, 2 sugatan sa granada sa perya

Isang tao ang namatay at dalawang iba pa ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa loob ng karnabal o perya sa Matalam, Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31.

Base sa imberstigasyon, naganap ang insidente 10 minuto bago maghatinggabi. Ang nasawi ay kinilala bilang isang magsasaka na dumaan lang sa perya.

Sinabi ng pulisya na maaaring may magtapon ng granada, ngunit nabigo ang mga saksi na makilala ang suspek dahil madilim sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa malagim na insidente. RNT