Home HOME BANNER STORY 4 tigok sa paputok sa Bagong Taon

4 tigok sa paputok sa Bagong Taon

Apat na indibidwal sa Luzon at Visayas ang namatay dahil sa mga insidenteng may kinalaman sa paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kabilang sa mga ito ang isang 44-anyos na lalaki sa Dagupan City, Pangasinan, na namatay matapos sumabog ang 5-Star firecracker malapit sa kanyang ulo habang iniinspeksyon ang isang improvised bombshell.

Binawian din ng buhay ang isang dating gumagawa ng paputok, edad 78, sa Nueva Ecija at dalawang indibidwal sa Cebu.

Nagtala ang Department of Health ng 340 firecracker-related injuries mula Disyembre 22, 2024, hanggang Enero 1, 2025, na minarkahan ng 34% na pagbaba kumpara sa nakaraang taon.

Gayunpaman, ang mga kaso ng indiscriminate firing mula sa baril ay tumaas sa 27 sa buong bansa, na may anim na insidente ng ligaw na bala na nagresulta sa tatlong sugatan. RNT