Home NATIONWIDE Bagong istruktura sa Masinloc, iniimbestigahan ng gobyerno

Bagong istruktura sa Masinloc, iniimbestigahan ng gobyerno

1
0

MANILA, Philippines — Sinisiyasat na ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang ulat tungkol sa isang umano’y bagong istruktura sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) na posibleng makaapekto sa soberanya at karapatang pandagat ng Pilipinas.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ni NTF-WPS spokesperson at Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela na nagsasagawa na ng beripikasyon at pagsusuri ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno upang matukoy ang katumpakan at tunay na kalagayan ng nasabing ulat.

“Relevant government agencies are currently undertaking verification and validation measures to establish the accuracy, nature, and circumstances surrounding these reports, utilizing available monitoring, surveillance, and operational assessment mechanisms,” ani Tarriela.

Hinimok din niya ang publiko na iwasan ang haka-haka habang nagpapatuloy ang beripikasyon at maghintay ng opisyal na impormasyon mula sa pamahalaan.

“Further updates will be provided once the verification process has been completed and the facts have been firmly established,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Tarriela na nananatiling matatag ang pamahalaan sa pagtatanggol sa pambansang interes at mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea alinsunod sa international law, kabilang ang 1982 UNCLOS at ang 2016 Arbitral Award.

Lumabas ang pahayag matapos ilabas ng non-profit organization na SeaLight ang satellite images na nagpapakita ng isang tila man-made structure at floating barrier malapit sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa SeaLight, hindi pa nito nakukumpirma kung nakapirmi o palutang-lutang ang naturang bagay, kung ano ang gamit nito, at kung saan ito nagmula.

“However, as China has exercised effective control over the shoal since 2012 and has increasingly restricted access to the lagoon entrance since 2024, attribution to any other actor is very unlikely,” ayon sa grupo.

Ang SeaLight ay isang US-based non-profit organization na nagmomonitor ng mga maritime gray zone activities tulad ng vessel swarming, illegal fishing, pananakot sa mga mangingisda, at pagtatayo ng mga artificial island. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here