MANILA, Philippines – Isang namumuong bagyo o low pressure area ang namataan malapit sa Philippine area of responsibility (PAR) noong Biyernes ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Batay sa tropical cyclone formation outlook nitong 10 a.m., sinabi ng PAGASA na ang LPA ay matatagpuan sa layong 1,830 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
“Ang Low Pressure Area (LPA 11b) ay may MABABANG posibilidad na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 na oras. Pinapayuhan ang lahat na subaybayan ang mga update mula sa DOST-PAGASA,” sabi ng PAGASA sa Facebook.
Namonitor ang LPA habang kumikilos ang Bagyong Marce sa West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng PAR sa Biyernes ng hapon o gabi. RNT