Home HOME BANNER STORY Kahandaan ng Pinas laban sa mga sakuna, bumuti – Harvard study

Kahandaan ng Pinas laban sa mga sakuna, bumuti – Harvard study

MANILA, Philippines – MAS handa na ngayon ang mga Filipino sa mga kalamidad kaysa sa nakalipas na mga taon.

Ito ang lumabas sa kamakailan lamang na nationwide survey ng Harvard Humanitarian Initiative’s (HHI) sa disaster preparedness and climate change perceptions sa Pilipinas.

Sa katunayan, ang self-reported disaster preparedness level ng mga filipino ay tumaas sa average na 42% sa nakalipas na pitong taon, base sa mga natuklasan sa pag-aaral ng HHI.

Ang data ay kinolekta mula sa 4,608 Filipino sa lahat ng rehiyon sa pagitan ng February at March 2024, nagpapakita ng average score na 19.2 mula 50 sa kabila ng limang objective measures ng disaster preparedness, kabilang na ang ‘planning, training, material investment, information, at social support.’

Ang paghahanda ng mga filipino sa kalamidad ay nag-improve sa nakalipas na taon, ang kasalukuyang iskor ay mas mataas kaysa sa 13.5 resulta sa isang pioneering study na isinagawa ng HHI noong 2017, na gumamit ng kaparehong ‘methodology at instruments.’

Ayon sa naging pag-aaral ng HHI, ang mga rehiyon na napaulat na nabibilang sa ‘highest levels of preparedness’ ay ang Cordillera Administrative Region (24.0 out of 50), Central Visayas (21.5), at Western Visayas (21.4).

Ang Davao Region (17.3), Negros Island (15.8), at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao or BARMM (15.1) naman ang napaulat na nabibilang sa ‘lowest levels of preparedness.’

Ang Metro Manila ay nasa-rank na 11th sa level of disaster preparedness (19.1), bahagyang mababa sa national average (19.2). Isa rin ito sa mga rehiyon na may ‘least progress’ sa disaster preparedness over time, na may pagtaas sa preparedness score ng 22% lamang o 3.4 puntis mula 15.7 noong 2017.

Binigyang diin ng HHI ang pangangailangan na paigtingin ang disaster preparedness efforts ng Pilipinas, ikonsidera na rito na ang Pilipinas ay “country with the highest disaster risk in the world.

“A score of 19.2 highlights both progress and areas needing urgent attention. While it shows an improvement in disaster preparedness, the score suggests that Filipinos are only doing 38.4 percent of the kinds of disaster preparedness activities needed to be prepared,” ang sinabi ni Dr. Vincenzo Bollettino, director ng HHI Resilient Communities program at co-lead para sa pag-aaral.

Tinuran pa rin ng HHI na sa hanay ng mga objective measures ng disaster preparedness, umiskor ang mga Filipino ng pinakamataas sa impormasyon (4.9 out of 10) at umiskor na pinakamababa sa social support (2.3 out of 10), ang overall score ay “relatively low across all dimensions.”

“With the Philippines ranked as the most disaster-prone country for three consecutive years now, increasing support and investments in preparedness are crucial,”ang sinabi ni Bollettino.

“It is essential for key decision-makers and policymakers to understand disaster preparedness and resilience through the lens of Filipinos themselves to align relevant programs and policies with emerging needs and priorities at the household level,” aniya pa rin. Kris Jose