Manila, Philippines- Tiyak na ikinatuwa ng pumanaw na action star–whereever he may be–ang paglantad ng isa pa niyang anak.
Ito’y si Abegail Luna Aguilar.
Nauna rito, matagal nang nakilala ng publiko ang lalaking anak ni Ace na si King.
Aguilar din ang gamit nito.
For a while, sumubok ding mag-showbiz si King pero malayung-malayo ang narating ng ama kesa sa kanya.
Lumantad si Abegail as she posted her pictures during her visit at the Christ the King Columbarium kung saan nakalagak ang cremated remains ng kanyang ama.
“I miss you Papa in heaven,” maikling caption ni Abegail.
Naintriga naman bigla ang ibang netizens lalo na ‘yung mga sumubaybay sa career ni Ace.
The son of the late Alicia Vergel and the sister of Beverly Vergel, Ace began his showbiz career as a child star.
Siya ‘yung musmos na bata sa FPJ movie na Anak ng Bulkan noong dekada sisenta.
Isang naintrigang netizen ang nag-usisa kung sino ang ina ni Abegail.
Sagot naman nito: “Mia Rose po.”
May followup question pa ang netizen kung dati rin bang artista ang ina nito.
Pero hindi na sumagot si Abegail.
Binansagang original Bad Boy of Philippine Cinema, Ace suffered a massive heart attack na ikina-comatose nito.
Pumanaw siya noong December 15, 2007 sa edad na 55. Ronnie Carrasco IIi