Manila, Philippines- Grateful ang magandang singer-songwriter na si Janine Tenoso na nabigyan siya ng pagkakataong maka-collab ang iconic Pinoy band na Side A.
“I am so much blessed with the opportunity na maka-work sila,” bungad niya.
Hirit pa niya, lodi raw niya ang nasabing grupo na isa sa mga tinitingala niyang banda sa Philippine music industry.
“Even since I was a kid. Actually, kinukuwento nga ng mom ko kung gaano ka-phenomenal ng Side A. Siyempre, I grew up na pareho naming pinakikinggan ang songs nila,” kuwento ni Janine.
Sey pa niya, dream come true raw para sa kanya ang makasama sa isang concert ang kanyang hinahangaang band.
“Dati, naririnig ko lang mga kanta nila tapos ngayon ka-collab ko na sila,” ani Janine.
“So excited ako sa kalalabasan ng collaboration ko as well siyempre iyong isosorpresa namin to all of you,” dugtong niya.
Ayon naman sa Side A, pinili nilang makatrabaho si Janine dahil sobra ang kumpiyansa nila sa kakayahan nito.
“She’s pretty monster singer. Soulful ang pagkanta with rightful intent,” hirit ng spokesman ng grupo.
Dagdag pa nila, naniniwala rin daw sila sa panghatak ni Janine sa audience bilang Gen Zer.
Ani Janine, isa raw sa pinakapaborito niyang piyesa ng Side A ay ang pamosong “Forevermore.”
Katunayan, dahil nga sa pagiging sikat nito ay nagkaroon na ito ng iba’t-ibang bersyon tulad ng rendition nina Regine Velasquez, Juris, Martin Nievera at maging ng American idol runner up na si David Archuleta.
Kasama si Janine, ang iconic OPM band na Side A ay tampok sa “Bonded by Sound” isang one-of-a kind concert na mapapanood sa Nobyembre 30, 2024 sa The Theater at Solaire. Archie Liao